Dami na nating pinagdaanan
Dami na ring problemang nalampasan
Hindi ba't iyong naging sandalan
Ngunit isang araw biglang nawala
'Di ko alam kung ano ang nagawa
Iniwan na parang laruan
Nasan ka man kaibigan ko
Alam mo naman na narito ako
At 'di na ko magbabago
Nandito pa rin naman ako
Para sa'yo kung kailangan mo
At kahit na kalimutan mo
Buong buhay mo'y naikwento mo na
Magkasama sa luha at saya
Bakit biglang naglaho ka
Bakit ngayo'y nag-iisa
Ang sakit isipin wala ka na
Maghihintay kung babalik ka pa
Nasan ka man kaibigan ko
Alam mo naman na narito ako
At 'di na ko magbababgo
Nandito pa rin naman ako
Para sa'yo kung kailangan mo
At kahit na kalimutan mo
Nasan ka man kaibigan ko
Alam mo naman na narito ako
At 'di na ko magbabago
Nandito pa rin naman ako
Para sa'yo kung kailangan mo
At kahit na kalimutan mo