Ang himig, nitong gabi ay
Katahimikan na nakakabingi
Nagwawagi ang lumbay laban sa kadiliman ng mundo
Kumot ko, ang tanging init na nararamdaman
Mahimbing na tulog ay maaari na lamang
Ang tanging hiling ay kahit di kita kapiling
Huwag mo sanang limutin mahalin ang ating awitin
Awitin ng buhay
Pagkat di magpapadaig ang pagmamahalan sa kalungkutan ng
Himig ng gabi
Himig ng gabi
Andami na nating alalang naibahagi
Kahit 'di tayo magkasama
Matatamis na sagutan at tawanan sa bawat kwento
Kulang man ang oras na tayo'y magkakausap
Maghihintay sa susunod na pagsikat ng araw dahil
Ang tanging hiling ay kahit di kita kapiling
Huwag mo sanang limutin mahalin ang ating awitin
Awitin ng buhay
Pagkat di magpapadaig ang pagmamahalan sa kalungkutan ng
Himig ng gabi
Himig ng gabi