Kahit na mauhaw
Kahit na manginig sa ginaw
Kahit na magutom
Kakayanin ko roon
Kahit na malayo
Kahit na maalon
Kakayanin ko lahat ng 'yon
Marating ko lang doon
Huwag mo lang ipilit na wala akong puwang sa'yo
Huwag mo lang ipagkait ang mundo mo
T'yak matatalo ako sa labang ito oh
Kahit na malalim
Kahit na madilim
Kahit na malakas man ang hangin
Pipilitin kong makarating
Kahit na bumagyo
Kahit na mabato
Lalabanan ko lahat ng gulo
Magkasama't magkaramay lang tayo
Huwag mo lang ipilit na wala akong puwang sa'yo
Huwag mo lang ipagkait ang mundo mo
T'yak matatalo ako sa labang ito
Huwag mo lang ipilit na wala akong puwang sa'yo
Huwag mo lang ipagkait ang mundo mo
T'yak matatalo ako sa labang ito oh
Kahit na malayo
Magkasama (magkasama)
Magkaramay lang tayo (magkaramay)
Oh