Sa sulok ng aking kwarto, ako'y nag-iisa
Nag-iisip-isip, bakit puso ko'y nagdurusa
Bakit hinayaan ko ang puso ko'y masaktan
Sa pag-ibig na di kailanman masusuklian
Sa mga bituin, ako'y laging humihiling
Na ang puso ko ay tuluyan ng magising
Ipakita nya sa puso kong nahihimbing
Na ang pag-ibig ko'y tulad ng usok, nawawala sa hangin
Tama na, o aking puso, ikaw ay magising na
Di mo dapat sinasayang ang panahon mo sa kanya
Kung wala syang pag-ibig na kayang ibigay
Bakit natin aantayin, kung wala namang saysay
Paglaya, paglaya, sa pag-ibig na umalipin
Bitawan ang tanikala, kalayaan ay yakapin
Hindi na maghihintay, hindi na sasayangin
Ang pag-ibig ko na di naman diringgin
Sa mga gabi ng pagluha, ako'y nagtataka
Bakit ba ako nagmamahal, kung wala namang pag-asa?
Puso ko'y naging bulag at bingi sa katotohanan
Dahil ang pag-ibig na inaasam ay wala namang kahihinatnan
Sa aking panaginip, sya ang laging kasama
Kaming dalawa ay parehas na masaya
Ngunit sa aking paggising, ako'y nag-iisa
Nagmumukmok dahil ito'y panaginip lang pala
Tama na, o aking puso, ikaw ay magising na
Di mo dapat sinasayang ang panahon mo sa kanya
Kung wala syang pag-ibig na kayang ibigay
Bakit natin aantayin, kung wala namang saysay
Paglaya, paglaya, sa pag-ibig na umalipin
Bitawan ang tanikala, kalayaan ay yakapin
Hindi na maghihintay, hindi na sasayangin
Ang pag-ibig ko na di naman diringgin
Sa pag-ikot ng mundo, magtutuloy ang buhay ko
Di ko sasayangin, dahil nag-iisa lang ito
Kailangan harapin ang masakit na katotohanan
Para sa isang masaya at magandang kinabukasan