Sayang hindi ako ang type mo
Nasulyapan sa tindahan
Nabihag mo nang lubusan
Pero hindi mo mapansin
Wala 'ni baling ng tingin
Sinusundan pa nga kita
Ayos na ang makita ka
Nawalan lang ng pag-asa
Nang may nauna nang iba
Sayang hindi ako ang type mo
Medyo cute naman ako
Bagay naman tayo siguro
Hanggang tingin na lamang ba ako
Kahit naman magpapansin ako
Wala pa ring dating sayo
Oh sayang
Oh sayang
Gusto na sanang iwan ka
Ngunit hindi na magawa
Hinihiling na mapansin
Nananaginip nang gising
Nagulat nang kumaway ka
Ngiti'y hindi na mapinta
Akala ko ay ako na
Nasa likod naman pala
Sayang hindi ako ang type mo
Medyo cute naman ako
Bagay naman tayo siguro
Hanggang tingin na lamang ba ako
Kahit naman magpapansin ako
Wala pa ring dating sayo
Nasulyapan sa tindahan
Ngunit di na malimutan
Iniisip gabi-gabi
Sana ba'y nilapitan ka
Sayang hindi ako ang type mo
Medyo cute naman ako
Bagay naman tayo siguro
Hanggang tingin na lamang ba ako
Kahit naman magpapansin ako
Wala pa ring dating
Sayang hindi ako ang type mo
Medyo cute naman ako
Bagay naman tayo siguro
Hanggang tingin na lamang ba ako
Kahit naman magpapansin ako
Wala pa ring dating sayo