Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo
Ang sabi mo'y ako, ang tanging na sa puso mo
Hanggang wakas di maglalao, pangako mo'y di magbabago
Naalala mo pa ba, mahal ko
Kapag ako'y nag-iisa, aking nadarama
Kalungkutan sa buhay ko, nais ko'y makasama ka
Hanggang sa panaginip ko, ikaw ang akin nakikita
Hindi'y hindi magagawang limutin ka
Awit ko'y pakinggan at laging tatandaan
Mahal kita, pag-ibig ko'y tanging sa iyo , sinta
Ikaw ang lahat sa akin, at pakamamahalin
Ikaw ang ako, sana'y laging magkapiling
Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo
Ang sabi mo'y ako, ang tanging na sa puso mo
Hanggang wakas di maglalaho pangako mo'y di magbabago
Naalala mo pa ba, mahal ko
Ako'y iyong iyo, ngayon at kailanman
At sa piling mo, ligaya ko'y natagpuan
Nagdulot ka ng pag-asa, tanging ikaw ang ligaya
At magpakailan pa man, tayong dalawa
Awit ko'y pakinggan at laging tatandaan
Mahal kita, pag-ibig ko'y tanging sa'yo, sinta
Ikaw ang lahat sa akin, ang pakamamahalin
Ikaw at ako, sana'y laging magkapiling
Awit ko'y pakinggan na laging tatandaan
Mahal kita, pag-ibig ko'y tanging sa'yo, sinta
Ikaw ang lahat sa akin, ang pakamamahalin
Ikaw at ako, sana'y laging magkapiling