'Di maamin ng damdamin
Na ngayo'y wala ka na sa aking piling
Araw-araw ang dalangin
Ay mayakap kang muli at maangkin
Ngunit pa'no nga ba ang pag-ibig mo'y magbabalik
Batid ko na nasaktan kita ng labis
At sinabi ko sa 'yo na kaya kong limutin ka
Bakit ngayo'y hinahanap kita
Ikaw pa rin ang nais ko damang-dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang isipa't damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita oh giliw ko
Alaala ang kasama
Mga sandaling dati ano'ng saya
Pinipilit na limutin
Bakit 'di maamin na wala ka na