Magtitiis ako alang-alang sa iyo
Maghihintay ako sana'y di ka magbago
Magtitiis ako alang-alang sa iyo
Magkalayo man tayo maghihintay ako
Magtitiis ako kahit na ika'y magbago
Darating din ang araw na iyong malalaman
Na ako'y iyong mahal
Hilingin mo man sa akin na ikaw ay layuan
Ay aking susundin lumigaya ka lang
Magtitiis ako kung yan ang nararapat
Upang makilala mo ang pagsuyo kong wagas
At kung tayo ay hindi na muling magkita
Ipagdasal mo sana sawi kong pagsinta
Sadyang ganyan ang buhay na aking sinapit
Kung di ka magtitiis ay di mo makakamit
Ang tunay na pag-ibig