Pakinggan mo na sana
Aking hiling
Huwag mo 'kong iwan
Mga nakaw na sandali na akala'y di matitigil
Hindi na maiwasan
Loob ay kusang lumayo na
Pikit matang nagmamahal
Kaya ako ngayo'y nawawala
Tayo'y magkaibang mundo
Baka hindi pa tamang panahon
Aanhin ko ang liwanag
Kung naglalakad ng mag-isa
Sa ilalim ng araw
Luha't pawis pumapatak
Pipiliin na lamunin ng dilim
Dahil wala ka na sa aking tabi
Aanhin ko ang liwanag mo
Kung hindi tayo sa dulo
Puro ka na lang salita
Mga pangakong binitawan ng basta-basta
Kahit di magampanan
Umasa na paninindigan
Hawak kamay kahit na mahirap
Pero asan ka na?
Ako ba'y kinahihiya?
Tayo'y magkaibang mundo
Baka hindi pa tamang panahon
Aanhin ko ang liwanag
Kung naglalakad ng mag-isa
Sa ilalim ng araw
Luha't pawis pumapatak
Pipiliin na lamunin ng dilim
Dahil wala ka na sa aking tabi
Aanhin ko ang liwanag mo
Kung hindi tayo sa dulo
Tayo'y magkaibang mundo
Tayo'y magkaibang mundo
Tayo'y magkaibang mundo
At hindi tayo sa dulo