Sa pag ikot ng mundo
Di maiwasang maipit sa gulo
Di alam kung saan patungo
Parang lumulutang lang sa lito
Saang ba ako patungo
At ang bukas ko'y puno ng duda
Umaga'y tila ayaw magpakita
Sa gabi madilim
Kapit sa patalim
Saan ang aking daan
Sa paglubog ng araw
Dahan-dahang gumagapang ang ginaw
Sa pagdating ng gabi takot at pagod
Ang aking katabi
Saan ba ako patungo
At ang bukas ko'y puno ng duda
Umaga'y tila ayaw magpakita
Sa gabi madilim
Kapit sa patalim
Saan ang aking daan
At ang bukas ko'y puno ng duda
Umaga'y tila ayaw magpakita
Sa gabi madilim
Kapit sa patalim
Saan ang aking daan