Minsan ay nangarap ako na matupad ang pangarap
Na makalipad lang gamit kapa ni Batman
Pero ako ay nabigo nang tumalon sa bintana
Kaya lahat ng pangarap ko'y biglang nawala
Hindi nga pala lumilipad si Batman
Kaya ang gusto ko na ay si Superman
Kaya tumaas na ang aking pangarap
Sige ituloy mo yan
Wala kang kapangyarihan
Kaya tumalon ako sa alapaap
Nasabi ko tuloy
Minsan ang pangarap ay hanggang pangarap na lang
Huwag na huwag susuko huwag kang papatalo
Minsan ang pangarap ay hanggang pangarap na lang
Tuloy-tuloy mo lang ipakitang kaya mo yan
Ang sarap mangarap
Ang sarap mangarap
Pero kailan
Kaya kung may pangarap ka ay isagad mo na
Para pag di nakuha at least nasa gitna ka na
Minsan ang pangarap ay hanggang pangarap na lang
Huwag na huwag susuko huwag kang papatalo
Minsan ang pangarap ay hanggang pangarap na lang
Tuloy-tuloy mo lang ipakitang kaya mo yan
Ang sarap mangarap
Ang sarap mangarap
Kailan kaya magigising
Sana ay hindi na magising