Sabi ni mama mag-aral daw muna 'ko
Para pagkagraduate ko ay sobrang yaman ko
Tapos pagkagraduate ko'y napanot at tumanda
Di ko na nagawa ang dapat na ginawa
Sabi ni papa gawin ko ang gusto ko
Di ako nag-aral at sinuway kanyang gusto
Makalipas ang taon ako ay biglang nabaon
Naging taong grasa walang pambili ng roll on
Isipin mo mabuti kung paano ka magiging masaya sa buhay at paano ito magiging makulay
Para sa bandang huli hindi ka magsisisi at masaya kayong mamamatay
Nasa huli ang pagsisi (gawin mo na ang gusto mo)
Sige lang sige nang sige (bago umikot ang mundo)
Kailangan mo ng determinasyon kung hindi magsisisi ka
Nasa huli ang pagsisisi (gawin mo na ang gusto mo)
Sige lang sige nang sige (bago umikot ang mundo)
Kailangan mo ng determinasyon
Kailangan mo lang ng konting aksyon
Kailangan mo lang ng inspirasyon
Kung hindi magsisisi ka