Kung ika'y nakasakit at nakokonsensya ay okay lang yan
Kung ika'y nagpaiyak ng hindi sadya ay okay lang yan
Kung ika'y di makatulog kasi may nagawa ay okay lang yan
Kung ika'y umiiyak huwag mag-alala kasi okay lang yan
Lahat ng tama at mali sa mundo ay may dahilan at patutunguhan
Dinadala tayo nito kung saan tatama
Okay lang na magkamali kung alam naman natin na sa tama pupunta
Huwag na huwag nang magkakamali lalong lalo na kung wala ka pang naitatama
Kung ika'y nalulungkot at naiinggit ay okay lang yan
Kung ika'y napipikon at nagagalit ay okay lang yan
Kung ika'y napagalitan kasi di ka tumama ay okay lang yan
Kung wala ka pang nagagawa kasi wala kang tama ay okay lang yan
Ang mali natin ito ay may kapalit na pagsubok at kinabukasan
Sumabay lang sa agos
Darating ito
Okay lang na magkamali kung alam naman natin na sa tama pupunta
Huwag na huwag nang magkakamali lalong lalo na kung wala ka pang naitatama
Hindi naman sa sinasabi na gumawa ng mali (wag lang ng krimen)
Sadyang may mga bagay sa mundo
Na kailangan pagdaanan