Pag ibig mong ibinigay
Sa tulad kong isang ligaw
Ang tumuwid, at gumabay
At nag bigay ilaw
Dahil sa Iyong alay
Binago ang aking buhay
At ang mundo na kay dilim
Nagka-kulay
Sa ngalan Mo aking dasal
Ngayon kanyang naririnig
At ako'y di na bingi
Sa Iyong munting tinig
Dulot ng pagmamahal
Ginawa akong banal
Ang dungis ko nilinis Mo
At tinanggal
Dahil sa iyong alay
At pag-ibig Mo
Buhay kong walang saysay
Pinulot Mo at ang langit ibinigay
Ang nais Mo sa buhay ko
Kahit pa di ko tanaw
Ngunit sa Iyo ang alam ko
Darating din ang linaw
Sa mga pangako Mo
Na tapat at totoo
Ang tibay na
Pinangha-hawakan ko
Dahil sa Iyong alay
At pag-ibig Mo
Buhay kong walang saysay
Pinulot Mo at ang langit ibinigay
Lalalala lalalala
Hmm hmm
Kahit pa sa kamatayan
Di na ko natatakot
Aking mga kasalanan
Sadya nang Iyong nilimot
Sasayaw at kakanta
Hihintayin ng masaya
Ang araw na masilayan
Ang Iyong mukha
Dahil sa iyong alay
At pag-ibig Mo
Buhay kong walang saysay
Pinulot Mo at ang langit...
Dahil sa iyong alay
At pag-ibig Mo
Buhay kong walang saysay
Pinulot Mo at ang langit ibinigay