Daloy ng hangin mapasaakin
Mga hiling ay liparin sa tenga ng mga bituin
Papunta saatin biyayang lumapit
Makita lang ang 'yong ngiti at mahalikan ang 'yong pisngi
Sapat na'ng lahat ng ito
Tamihik na'ng aking mundo
Iba ang lahat pag sa'yo
Handa na ako
Lakas ng 'yong boses at tingin walang makakapigil
Sa'king paghulog sa langit papunta sa'yong piling
Mga bathala at diyos, sana'y sangayon sa'king damdamin
Para sa'yo, sa'yong-sayo ako
Kung tungo saakin ang 'yong damdamin
Sana'y sabihin mo na rin, wag na ako paghintayin
At kung maalala ang aking galawan
Alam mo na di ka sasaktan, tiyak na ikaw lang babalikan
Sapat na'ng lahat ng ito
Tamihik na'ng aking mundo
Iba ang lahat pag sa'yo
Handa na ako
Lakas ng 'yong boses at tingin walang makakapigil
Sa'king paghulog sa langit papunta sa'yong piling
Mga bathala at diyos, sana'y sangayon sa'king damdamin
Para sa'yo, sa'yong-sayo ako
Handa ako sa tiyansa na hindi ka
Pinagpala para sa'kin
Pero lalabanan ko parin
Hangga't alam ko na hindi mali
Lakas ng 'yong boses at tingin walang makakapigil
Sa'king paghulog sa langit papunta sa'yong piling
Mga bathala at diyos, sana'y sangayon sa'king damdamin
Para sa'yo, sa'yong-sayo ako
Sa'yong-sayo ako (Daloy ng hangin mapasaakin)
Sa'yong-sayo ako
Sa'yong-sayo ako
Sa'yong-sayo ako