Alam mo ang ganda mo pala
'Pag tumawa ang 'yong mata
Hinahabol ko'ng bawat mong tingin
Ngunit ito'y 'di mo napapansin
Wala akong maipagmamayabang
Porma ko pasimple-simple lang
Sino ba ako walang dating sa 'yo
'Di tayo bagay sobra mong ganda talaga
'Di ko alam hanggang kailan tayo
'Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay oh sinasakyan lang 'yan
'Di ko alam ang tungo kung saan
'Pag sumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko
Oh kay sarap mong kasama
Napapawi mga problema
Magaan dalhin kay sarap lambingin
'Yun nga lang ay kaibigan kita
Akala ko mapipigil ko
Pero lalong nahuhulog sa 'yo
Nang 'yong nabuking tinanong sa 'kin
Dapat bang pagbigyan pag-ibig natin mahalin
'Di ko alam hanggang kailan tayo
'Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay oh sinasakyan lang 'yan
'Di ko alam ang tungo kung saan
'Pag sumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko
Sa iba ito'y laro lamang (sa iba ito'y laro lamang)
Away-away puro selos lang (away puro selos lang)
Ang iba nagsisisi (ang iba ang sabi)
Ang sabi wag na 'wag ko raw pasukan ('wag na 'wag)
'Wag naman ('wag naman)
'Di ko alam hanggang kailan tayo (hanggang kailan)
'Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe (sa aking biyahe)
Atin lamang ang araw na ito (araw na ito)
Ang buhay oh sinasakyan lang 'yan
'Di ko alam ang tungo kung saan ('di malaman kung saan)
'Pag sumama ka sa aking biyahe (sumama ka sa aking biyahe)
Iaalay ko ang puso ko
Alay ko ang puso ko