Pinaglaban ang kalayaan
Sa Dambana ng Watawat
Winagayway ang ating kulay
Dangal at tagumpay...
Sa bayan mo ikaw ay tapat
Oh Imuseño ka magiting ka;
Malaya ka!
Ikaw ay Imus
Tahanan ng mga bandila!
Ikaw ay nag-iisang
Sagisag ng pagmamahal...
Ang plaza mo ay ang puso ng lungsod
Simbahan kung saan matatagpuan ang araw at tatlong tala!
Mga lugar na kay tampok sa aming mga mata
Tunay nga Oh Imus wala kang kupas...
Pugad ka ng lahi ng mga matatapang
Layon mo ang kapayapaang sakdal-dilag!
Sa bayan mo ikaw ay tapat
Oh Imuseño ka magiting ka;
Malaya ka!
Ikaw ay Imus (Ooh)
Tahanan ng mga bandila! (Tahanan ng mga bandila!)
Ikaw ay nag-iisang (Ooh)
Sagisag ng pagmamahal... (Tahanan ng mga bandila!)
Dambana mo ang puso ng lungsod (Ooh)
Sa Plaza kung saan matatagpuan ang araw at tatlong tala!
Tatlong Tala
At ang araw
Pula at Bughaw Puti sa Dilaw
Hindi ka mawawala kailanman!
Ikaw ay Imus
Tahanan ng mga bandila!
Ikaw ay nag-iisang (Ooh)
Sagisag ng pagmamahal... (Tahanan ng mga bandila!)
Wala nang makakapantay pa sa kulay ng 'yong kasaysayan (Ooh)
Tulad ng araw at ng buwan
Sisikat parin ang 'yong Sagisag.
Iyong Sagisag (Ikaw ay nag-iisang Sagisag ng...
Tahanan ng bandila!)
Iyong Sagisag