Sinusubukan na naman
Ni Bakunawa kainin ang buwan
Unti-unting dumidilim
Nauubusan na naman
Ng panggatong sa apoy o kailan
Kaya magliliyab muli
Ang pusong matagal nang nanlalamig oh
Isip na matagal nang nananaginip
Kamalayan
Nawa'y dagli ka nang bumalik
Nakalimutan na naman
Mga pangakong pinanghahawakan
Tinahak ang kalawakan
Kinakailanga'y 'di natagpuan oh
Pusong matagal nang umaapaw
Nauubasan na't ngayo'y nauuhaw
Balang araw iluluwa rin ang buwan
Babalik ang liwanag ng nakaraan
Woah
Oh