Magmaliw man ang araw
Magtago man ang mga ilaw
Ako ay mananatili kailan pa man
Dumilim man ang mga kalsada
Mapundi man ang mga lampara
Ako ay mananatili kailan pa man
Ako ang banaag
Banaag sa dulo ng lahat
Ako ang banaag
Banaag sa dulo ng lahat
Tamarin man ang buwan
Mga tala'y maglaho man
Ako ay mananatili kailan pa man
Kahit mabulag ka man
O ang mundo'y gumuho man
Ako ay mananatili kailan pa man
Ako ang banaag
Banaag sa dulo ng lahat
Ako ang banaag
Banaag sa dulo ng lahat
Sa'kin nagsimula
Sa'kin rin babalik
Sa araw na tayo'y maging isa
Ako ay nasasabik
Sapagkat ang mga kulay ng iyong buhay
Ay ang sinag ko lamang na hinimay-himay
At sa dulo ng lahat
Ako iyong banaag
At ika'y magiging buo sa ilalim ng aking liwanag
Liwanag
Liwanag
Liwanag
Ha ha ha ha
Magmaliw man ang araw
Magtago man ang mga ilaw
Ako ay mananatili kailan pa man