Ang buhok mo'y parang gabing numinipis
Sa pagdating ng madaling araw
Na kumukulay sa alapaap
Ang ngiti mo'y parang isang tala
Na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita
Kung kailan wala na
Kailan kaya mahahalata (kailan kaya mahahalata)
Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa (ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa)
Kahit mawala ka pa (kahit mawala ka pa)
Hinding-hindi mawawala (hinding-hindi mawawala)
Ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo (ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo)
Ang buhay mo'y parang kandila na pumapawi
Sa kadiliman ng gabing puno ng dalita
At ng lagim
Bawat segundo ay natutunaw
Tumutulo parang luha
Humuhugis na parang mga puting paru-paro
Kailan kaya mahahalata (kailan kaya mahahalata)
Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa (ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa)
Kahit mawala ka pa (kahit mawala ka pa)
Hinding-hindi mawawala (hinding-hindi mawawala)
Ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo (ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo)
Sa'yong-sa'yo (sayo)
Sa'yong-sa'yo (sayo)
Sa'yong-sa'yo (sayo)
Sa'yong-sa'yo (sayo)
Ni isang beses ay hindi pa 'ko
Nakakakain ng paru-paro
Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno
Saka ko naalala na noon
Nang una kong masabi ang pangalan mo
Nakalunok ako kaya siguro