Kung hindi ako
Ang iyong pipiliin
Aanhin ko pa ang hangin
Sa aking palagay
Ako lang ang may taglay
Ng pagsintang nararapat
Lamang sayo aking mundo
Pakinggan mo pintig ng puso ko
Pangalan mo sinasambit
Biglang lukso tuwing ikay lalapit
Di alam ang gagawin hmm
Kung hindi ang iyong sagot
Sa pagsuyo kong wagas
Aanhin ko pa ang bukas
Sa aking palagay tayo'y nagsasayang
Ng araw at gabing sa atin dapat
Buksan mo pa ang aking bibig
Basahin mo aking iniisip
Suriin mo mga lamat ko
Walang wala akong ikukubli
Ano pa ang gagawin
Kung di man lang tayo oh
Buksan mo pa ang aking bibig
Basahin mo
Ang talambuhay ko
Timbangin mo
Aking damdamin
Habang buhay ko itong papasanin
Wala akong magagawa
Ako'y para sayo oh
Kung di tayo
Ano pang silbi ng puso kong ito
Kung di tayo
Ano pang halaga ko sa mundo
Kung di tayo
Oh bakit pa ba tayo nagtagpo
Hmm