Kahapon lamang kay ginhawa ng buong mundo
Lahat ng bagay kay gaan pa rin tumatakbo
At kung ligaya'y kulang man sa kapipilit ko'y naghuhusto
Tamang-tama lang ang buhay ko
Kahapon lang kahapon ko'y nagbago ng lahat
Umaga't hapon ang loob ay aandap andap
Binubuhol ang isip ko sa hirap ko'y kailan maaangat
May pag-asa bang matatanggap
Ano'ng nangyari napaibig lamang ako
Tahimik kong mundo'y biglang nasangkot sa buhay mo
Kanina lang naisip ko marahil buti pa
Ang buhay ko ay nabayaan nang nag-iisa
Kaya ng minsan na iwan mo'y tiyak na isip ko'y mag-iiba
Dahil ibig kong ibigin ka
Tahimik kong mundo'y biglang nasangkot sa buhay mo
Kanina lang naisip ko marahil buti pa
Ang buhay ko ay nabayaan nang nag-iisa
Kaya ng minsan na iwan mo'y tiyak na isip ko'y nag-iiba