Ay kay tamis hirang
Ng pagsintang tunay
Ang lahat ay buhay
Lalo't ika'y kapisan
Kung sa 'yo'y mawalay
Palad ko'y hihina
At kung walang lambingan
Mabuti pa mabuti pang ako'y pumanaw
Sa piling mo sinta ko
Napapawi ang lungkot
Napaparam nagbabago
Ang lahat ng himutok
At sa tuwi mong hahagkan
Ang pisngi kong mabango
Ay tuluyang napaparam ang hirap ko
Kung tayo'y magkasayaw
Magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay aliwalas
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap ng matamis na lambingan
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap ng matamis na lambingan