Tapos na ko sa sundalo
Sa kalapati naman
Ayoko talagang isulat pag ganito
Ang laman
Baka isipin pa nila
Sa kabila ng lahat
Humihingi ng simpatya
Para lang makaangat
May kalapating nag-alaga sa kin
Simula't sapul
Napakaliit ko pa no'n
Mas maliit pa kay dagul
Etong kalapati na to
Madalas lumilipad
Naghahanap siya ng pagkain
Na pwede kong makagat
Madalas na mag-isa
Kaya naging matatag
Iniisip ko na lang
Na babalik siya agad
Dinadalasan ang dasal
Para lalong marinig
Penge ng jacket kuya willie
Sa gabing malamig
Naranasan na namin
Ang madalas na matakot
Hindi sa multo
Kundi sa tunay na bangungot
Wag kang mag-alala
Mawawala din to lahat
Kasi ikaw ang kalapati na matayog ang lipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa akin lumipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa akin lumipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad
Ano ba naman ito
Merong biglang dumating
Kamalasang may kasamang
Biyayang dumadaing
Dis oras ng gabi may balitang
Dumating sa kin
Nahuli daw kasi
Ang ibong gusto akong buhayin
Bigla akong dumilat
Di alam ang gagawin
Hilong-hilo at parang biglang
Umikot ang paningin
Pinuntahan ko siya
Huli na kong nakarating
Pinipiktyuran na
Walang areglong gagawin
Pero merong isang daga
Na may dalang maraming keso
Agad na pinalaya at wala ng kesyo
Kwento
Babaeng kalapating
Umiiyak sa kaba
Gaano kasakit ang
Makita kita sa hawla
Ako naman ang kukuha ng
Perang walang kwenta
Lahat ng kailangan mo
Ako magdadala
Wag ka ng mag-alala
Mawawala din to lahat
Kasi ikaw ang kalapating
Nagbigay sa akin ng mga pakpak
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa akin lumipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa akin lumipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad
Napakalakas ko pag alam ko na nandito ka
Pero mas lalong lumakas pa
Nung hinuli ka nila
Konting panahon na lang
Sabay natin lahat kukunin
Bubuksan ang kandado ng hawla
Kahit pilitin
Mahal kita, ang tiisin ka hindi ko kaya
Ginto kang kalapati at hindi ka basta maya
Wag kang mag-alala halos
Abot ko na lahat
Dahil sa mama ko
Na sobrang taas din kung lumipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa akin lumipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa akin lumipad
Ikaw ang kalapating iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad