Ang gabi'y lumalalim
Tayong dalawa sa dulo ng baybayin
Naghahanap ng paraan
Para makita kahit kaunting liwanag
Sa nalalabing oras nating magkasama
Mabubuhay pa ba?
Nakaraa'y wakasan
Ating muling simulan
Kasabay ng padyak ng ating paa
Magkahawak kamay
Sa kabilang mundo walang pagdurusa
Tumalon, sumigaw
Tatlo, dalawa, isa
Tayo'y lumipad
Tumakbo, umalis
Iwanan ang ating problema
Patuloy lang ang lakbay, hanggang habangbuhay
Isigaw ang lahat ng iyong nadarama
Huwag akong kalimutan
Sa aking paglisan
Sa bagong araw na sisikat
Umaaligid na tanong sa'king isipan
Naghahanap ng paraan
Kahit kamuhian at kasuklaman
Sa hinaharap nating magkasama
Mabubuhay pa ba?
Nakaraa'y wakasan
Ating muling simulan
Kasabay ng padyak ng ating paa
Magkahawak kamay
Sa kabilang mundo walang pagdurusa
Tumalon, sumigaw
Tatlo, dalawa, isa
Tayo'y lumipad
Tumakbo, umalis
Iwanan ang ating problema
Patuloy lang ang lakbay, hanggang habangbuhay
Isigaw ang lahat ng iyong nadarama
Huwag akong kalimutan
Sa aking paglisan
Kulang pa yata ang lahat ng ating pinagsamahan
Huwag ka na munang umiyak, tayo'y magkikita pa
Kulang pa yata ang lahat ng aking maibibigay
Huwag ka na munang bumitaw, tayo'y magsasama pa
Tayo'y lumipad
Tumakbo, umalis
Iwanan ang ating problema
Patuloy lang ang lakbay, hanggang habangbuhay
Isigaw ang lahat ng iyong nadarama
Huwag akong kalimutan
Sa aking paglisan
Tayo'y lumipad, tumakbo, umalis, iwanan ang ating problema (Huwag iiyak sa araw na dadaraanan)
Patuloy lang ang lakbay, hanggang habangbuhay (Nandito ako kahit hindi mo nakikita)
Isigaw ang lahat ng iyong nadarama (Isipin ang hinaharap 'pag ako'y maaalala)
Huwag akong kalimutan
Sa aking paglisan