Isang gabing malalim
Nakatingin sa langit
Nagtatanong, humihiling
Kasama ka hanggang huli
Nakapagtatakang isipin
Para bang nakaw na sandal
Noong ika'y nasa 'king tabi
Pagsapit ng umaga
Paglingon ko'y wala ka na
Ako pala'y nabubuhay sa 'ting alaala
Isip ko'y nababalot na ng
Huwad na pag-asa ng pagmamahalan
Isang daang pasakit
'Di mo 'ko masisisi
Bakit nananatili
Sa 'yong tabi hanggang huli
Nakapagtatakang isipin
Sa huli nating mga sandal
Magkayakap sa buong gabi
Pagsapit ng umaga
Paglingon ko'y wala ka na
Ako pala'y nabubuhay sa 'ting alaala
Isip ko'y nababalot na ng
Huwad na pag-asa ng pagmamahalan
Ako'y iyong bihag
Sa 'yo ay luluha
Ayokong lumisan
Handang magtiis, dahil 'pag umalis
Sa 'yo pa rin ako babalik
Nasasaktan, nanlulumo
Ang puso ko'y nagdurugo
Kahit pa tayo'y malayo
Ako ay babalik sa 'yo
Gustong-gustong makawala
Pag-ibig nating nawala
Malayo man ang narating
Sa 'yo pa rin ako babalik
Ako'y iyong bihag (Nasasaktan, nanlulumo)
(Ang puso ko'y nagdurugo)
(Kahit pa tayo'y malayo)
(Ako ay babalik sa 'yo)
Ayokong lumisan (Gustong-gustong makawala)
Pag-ibig nating nawala
Handang magtiis, dahil 'pag umalis (Malayo man ang narating)
Sa 'yo pa rin ako babalik