Ang pangalan ko po ay si ibarra, bente anyos
Ayoko ko po saming pisara
Maagang namulat, dahil minulat
At pumatos... din po ako ng isang matabang pitaka
Batang gala at mapusok, binugbog
Naging libangan din ang kama tsaka
Di ko po... kase alam kung anu ba para saken ang tama
Nag balak na makibaka, isang umaga
Sinabe sa sarile gusto ko na may mag bago khit na sana...
Kakaunting tulong galing sa magulang ko pero... hindi ibig sabihin ay tungkol sa pera to
Sumama po ako sa magiging barkada ko
Kapalit... humihiling ng konting aruga sa kagustuhan nalang na maging masaya
Na iinggit ako sa mga mayamang ginto katulad ng naging kutsara nila
Lage pong pinapanood, ang amerikanong propaganda
Gusto ko ng mga bagay na hindi ko pa hawakan
Gusto ko din ng babaeng kahit saglit ko lang din mahahawakan
Lalakad bako sa dating AKO
AKO ba ay lalakad patungo sa bagong ako
Saan ba dapat ako?