May isang halaman sa tabi ng daan
Unti-unting nalalanta
Sa natitigang na lupa
Sa init ng tag-araw 'di mapansin ang sigaw
Nitong munting halaman
Sa tag-tuyo'y madiligan
Tulad ng isang taong
Punit-punit ang damit
Walang matutulugan walang mauuwian
Lagalag sa lansangan humihingi ng limos
Tiyan niya'y kakalam-kalam
Pagkain niya'y galing sa basurahan
Ulan ulan bumuhos ka ulan
Ulan ulan bumuhos ka ulan
Kahit konting patak siya'y
Iyong diligan
Ulan ulan bumuhos ka ulan
Kahit konting patak man lang
Langit ay nakatitig
Wari'y di madinig
Halaman ay tuyong-tuyo
Tao ay sumasamo
Sa init ng tag-araw
Di mapapansin ang sigaw
Nitong munting halaman
Sa tag-tuyo'y madiligan
Ulan ulan bumuhos ka ulan
Ulan ulan bumuhos ka ulan
Kahit konting patak siya'y
Iyong diligan
Ulan ulan bumuhos ka ulan
Kahit konting patak man lang oh